Isang Estudyante ang hinimatay sa pagod sa pag-akyat sa bundok para makasagap lang ng signal
Source: News5/Facebook |
Usap-usapan ngayon sa social media ang hirap na nararanasan ng isang estudyante sa Madlang, Aklan na umaakyat sa bundok upang makakuha lamang ng signal para sa kaniyang pag-aaral.
Sa post na ibinahagi ni Genevie Gregorio, dahil daw sa kagustuhan ng kaniyang pamangkin na makapagtapos ng pag-aaral, inakyat daw nila ang isang bundok sa kanilang probinsiya upang makasagap ng kahit kaunting signal upang makapagpa-schedule ang kaniyang pamangkin para sa nalalapit na “scholarship exam” ng Aklan State University.

Source: News5/Facebook
Inabot na raw sila ng ilang oras subalit hindi pa nila naaabot ang lugar na kanilang inakyat. Dahil sa pagod sa paglalakad at init ng panahon, nawalan daw ng malay ang pamangkin ni Genevie sa daan.
Source: News5/Facebook
Sa kabutihang palad naman daw ay nagkamalay naman ang kaniyang pamangkin matapos itong makapagpahinga. At imbes na piliin na lamang daw nitong bumaba at umuwi na lamang, hindi raw ito ginawa ng kaniyang pamangkin. Nagpatuloy raw silang umakyat dahil ayon nga kay Genevie, mas matayog daw ang pangarap ng kaniyang pamangkin kaysa sa bundok na iyon.
Source: News5/Facebook
Nais daw kasing makatulong ng kaniyang pamangkin sa kaniyang mga magulang upang maiahon daw ang kanilang pamilya mula sa kahirapan. Pagbubukid ang ikinabubuhay at pinagkukunan ng kita ng kaniyang magulang upang mapag-aral daw silang magkakapatid.
“Gusto niyang tulungan ang pamilya niya. Sobrang hirap kasi ng buhay dito sa amin, malayo sa bayan. Pagbubukid at pag-a-abaca lang ang hanapbuhay ng parents niya rito para makapag-aral sila,” dagdag pa ni Genevie.

Source: Furry Category
No comments