Str0ke Survivor, patuloy ang paglalako ng Hotdog sa kabila ng kaniyang kundisyon para sa kanyang Pamilya
Source: Neil Bote/Facebook
|
Source: Neil Bote/Facebook
Sa Facebook post na ibinahagi ng netizen na si Neil Bote, natagpuan daw niyang naglalako ng hotdog buns si Mang Bobby sa Reposo sa Makati City. Araw-araw umano itong naglalako dala ang isang lalagyang nakakabit sa kaniyang katawan. Makikitang may kabigatan daw ito subalit matiyaga pa ring nagtatrabaho si Mang Bobby upang makatulong sa kaniyang pamilya.
Source: Neil Bote/Facebook
Source: Neil Bote/Facebook
Ang nasabing negosyo naman ni Mang Bobby ay tulong umano na nanggaling sa isang foreign non-government organization (NGO) na tumutulong sa mga person with disabilities (PWDs) upang makapaghanapbuhay.
Source: Neil Bote/Facebook
Samantala, may banta pa rin sa trabaho ni Mang Bobby – sapagkat dati nang nagkasakit, hindi siya maaaring magbilad ng matagal sa ilalim ng init ng araw dahil maaari itong magsanhi ng pagtaas sa kaniyang blood pressure.
Nananawagan naman si Neil sa kaniyang kapuwa netizens na kung sakali mang makita o makasalubong nila si Mang Bobby ay bumili sila rito upang kahit papaano’y mabigyan ng tulong ang tindero upang matustusan ang kanilang pangangailangan.
Source: Furry Category
No comments