Header Ads

Isang Foreigner ang lumipad patungong Pilipinas para alagaan ang dating Yàyà na may màlubhang sàkit

Source: The Sun Hong Kong

Lumipad patungong Pilipinas ang isang dayuhan upang alagaan ang dati niyang yaya na may hindi maayos na kondisyon.

Nagpasuri sa doktor ang 54 taong gulang na si Remelyn Zubiaga Yumul, at dito niya nalamang nasa stage 4 na ang kondisyon niya sa kanyang obaryo. Ito raw ay malapit nang kumalat sa kanyang appendix at baga. Dahil dito, nagdesisyon siyang umuwi sa Pilipinas para magpagamot.

Source: The Sun Hong Kong

Maaari naman siyang magpa-checkup sa Hong Kong dahil dito siya nagtatrabaho, ngunit mas pinili niyang umuwi sa bansa. Mabuti na lang dahil pinayagan siya ng kanyang amo at binigyan pa siya ng dalawang buwan upang magbakasyon, mapatingin ang kanyang kondisyon, at makasama ang kanyang pamilya.

Source: The Sun Hong Kong

Sa pangangalaga ng kanyang kapatid, namalagi at nagpa-checkup si Yumul sa Capiz Doctors Hospital. Sumailalim siya sa isang pagsusuri noong Marso 13, 2019 at nakatakdang magpagamot noong Abril 22, 2019.

Source: The Sun Hong Kong

Sa Hong Kong, nagtrabaho ang ginang sa pamilya Fai Tse. Dito siya naging yaya ni Philip na noon ay sanggol pa lamang. Nang 19 na taon na ang kanyang alaga, dito siya napilitang maghanap ng ibang pagtatrabahuan. Nasa ibang employer man, nakakausap pa rin ni Yumul sina Philip dahil itinuturing na siya ng mga ito bilang kapamilya.


Nang malaman nga ni Philip ang naging kalagayan ng kanyang dating yaya, agad siyang nag-book ng ticket papuntang Pilipinas para masilayan ang taong minsan siyang inaalagaan. Sa apat na araw na mayroon siya, inalagaan ni Philip si Yumul katulad ng pag-aaruga nito sa kanya noon.

Source: The Sun Hong Kong


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.