Nanalo ng ₱4.5 Million ang isang Pinay OFW matapos itaya ang kanyang huling pera sa lotto
Source: K- ALAMOM/Youtube |
Isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa UAE ang naging instant milyonaryo matapos niyang itaya sa lotto ang kahuli-hulihang pera. Ginamit nito ang huling perang hawak kahit walang kasiguruhan ang pagtaya nito sa lotto. Talaga namang hindi niya inaasahan ang pagkapanalo nito at lalo pa panahon ng pandemya.
Source: K- ALAMOM/Youtube |
Sa panahon ng pandemiya mahirap ang mawalan ng trabaho at mapagkukunan ng pantustos sa pang-araw-araw. Kaya naman masasabing mawerte at pinalad si Remedios Bombon na nagtatrabaho bilang OFW at naabutan pa ng lockdown sa UAE.
Source: K- ALAMOM/Youtube |
Isang house keeper at bus attendant ang pinoy na si bombon bago pa magka-lockdown. Dahil sa pandemiya kaya naman natigil siya sa pagtatrabaho. Hindi naging madali ang kanyang buhay sa UAE dahil sa hirap ng trabaho bilang isang house keeper.
Source: K- ALAMOM/Youtube |
Ikweninto ng pinay OFW na ang kanyang natitirang pera sa wallet ay AED60 na katumbas ng mahigit P820 na lamang at nilakasan ang loob na itaya ito sa lotto. Isinalaylay ni Bombon na bago daw nanalo sa lotto ay tatlong buwan siyang walang trabaho at hindi alam kung san kukunin ang pangtustos sa kanyang pamumuhay.
Source: K- ALAMOM/Youtube |
Hindi siya nawalan ng pag-asa at nanalangin na kahit apat na numero lang ang kanyang makuha. Labis ang kanyang pagkagulat nang pati ang ikalimang numero ay kanya ring nakuha. P4.5 milyon o AED 333,333 na kanyang napanalunan na talaga namang nakakalula.
Hindi niya alam ang mararamdaman sa pagkagulat. Sobra siyang naiyak sa suwerteng nakamit. Dahil sa dami ng pinagdaanang hirap bago ito makuha, labis ang kanyang galak.
Source: K- ALAMOM/Youtube |
Maaari na itong makapagpatayo ng sariling bahay at sariling mga negosyo sa tulong ng napanalunang pera sa lotto.
Dahil sa laki ng napanalunang pera ay maari na itong umuwi ng Pilipinas at magsimula ng kanyang buhay kasama ang kanyang pamilya. Hindi na niya kailangang magbalat ng boto at magpakahirap magtrabaho sa ibang tao.
Source: Furry Category
No comments