Tumanggi ang magnanàkàw sa perang inaabot ng matandang babae sabay halik sa noo ng matanda kuha sa CCTV
Source: Good Times |
Madami ng nagbago sa mundo. Kung ikukumpara sa pamumuhay dati ay malaki na ang kaibahan.
Lalo na at may mga bagong imbensiyon ang mga tao upang mapadali ang mga bagay-bagay at napapagaan ang ating buhay.
Ang mga bagay na tila imposible sa nakaraan ay madali nang gawin dahil sa teknolohiya ngayon.
Marami na ang naiinpluwensiyahan, gumagamit at nakikinabang na mula sa modernong teknolohiya tulad ng mga cellphone, gadgets, appliances at CCTV camera na sobra nakakatulong sa pang araw-araw.
Mas napapadali ng malutas ang mga krimen dahil sa mga kuha ng mga video mula sa paggamit ng mga CCTV camera tulad ng mga aksidente at mga hindi inaasahang pangyayari. Nakakatulong upang makita ang totoong nangyari at makikilala ang mga responsable sa mga pangyayari.
Source: Good Times
Naaktuhan ang isang insidente sa Brazil kung saan nakuhanan ng CCTV ang isang pagnanakàw sa isang shop ngunit may kakaiba silang napansin sa video.
Makikita sa kuha ng CCTV sa isang parmasya ang pagnanàkàw na nangyari habang ang dalawang lalaki ay nangunguha ng pera sa staff sa parmasya . Ang isang lalaki ay abala sa pagkuha ng pera sa cashier at ang isa namang lalaki na naka-helmet ng motorsiklo ay nakatayo lamang sa tabi na tila nagmamasid na may hawak na bàril.
Source: Good Times
Ang surveillance camera o CCTV sa loob ng parmasya at mapapanood na ang suspek ay nakikipag-usap sa babae habang ang kanyang kasabwàt ay tinàtakot ang empleyado ng tindahan.
Masasaksihan rin sa video ang isang matandang babae mula sa hilagang-silangan ng Brazil at tila hindi alam ang gagawin habang kausap ang isang kasàbwat sa pagnanàkaw.
Ang matandang babae ay lumapit sa isang magnanakàw. Hindi mapakaling sinabi ng matanda na kunin na din niya ang kanyang pera.
Nakakagulat na ang magnanakaw ng parmasya sa Brazil ay pinakalma ang matandang customer at nakakagulat sa halip na kunin ang pera na inaalok ng matandang babae, hinalikan niya ito sa noo at sinabi ito:
“No, ma’am, you can be quiet, I don’t want your money.”
Source: Good Times
Nangyari umano ang pagnanakàw noong Oktubre 15, Martes ng hapon sa lungsod ng Amarante.
Mula sa ulat ng Good Times, ang may-ari ng parmasya ay nakilala bilang si Samuel Almeida.
Ang mga magnanakàw ay nais lamang makuha ang lahat ng pera.
Ang dalawang magnanakaw ay nagkapagnakaw ng kabuuang $ 240 at ilang mga gamit.
Mabilis na kumalat sa social media ang kuha ng CCTV. Umani ng iba't ibang reaksiyon ang video.
Source: Furry Category
No comments