Header Ads

OFW umuwi mula sa Riyadh, laking gulat nitong wala na ang kaniyang pamilya at ang naipundar niyang bahay

Source: Mae Regala 

Hindi biro ang buhay ng isang Overseas Filipino Worker (OFW). Kinakaya niya ang lahat – pagod sa pagtatrabaho, maging ang pagkawalay sa mahal na pamilya. Ginagawa niya ang lahat upang may maipon na pera at upang may maibigay sa mga mahal sa buhay. 

Source: Mae Regala 

Ngunit, paano kung dumating ang panahon na umuwi na siya sa kanyang pinanggalingan subalit hindi na niya nadatnan ang kanyang pamilya at mga naipundar? Nawala na parang bula ang mga naipundar na mula sa kanyang paghihirap at pagod sa pagtratrabaho. 

Ganito ang nangyari sa OFW sa Riyadh na si Engineer Romeo Ordaz. Nagtrabaho siya sa ibang bansa upang may maibigay sa kanyang pamilya. Plano nga raw niyang sorpresahin ang kanyang pamilya sa kanyang pag-uwi, ngunit tila siya ang nasorpresa sa mga kaganapan. 

Source: Mae Regala 
Wala na umano ang pamilya ni Ordaz sa kanilang tahanan; hindi rin daw niya alam kung nasaan na ang mga ito ngayon, maging ang dahilan ng kanilang pag-alis.


Isang netizen naman ang nagbahagi ng kuwento ng naturang OFW sa Twitter. Ayon kay Mae Regala, nakita raw nila ng kanyang ina si Ordaz sa SM Southmall na mukhang may dinaramdam. 

Source: Mae Regala 

Dito na nga nalaman ng netizen na umuwi ng Pilipinas ang OFW noong 2011 at noon din ay hindi na kailanman nakita ng huli ang kanyang pamilya. Wala na rin umano ang kanilang bahay sa dati nitong kinatatayuan.

Source: Mae Regala 

Dagdag pa ni Ordaz, hindi raw niya sigurado kung buhay pa nga ba ang kanyang mga magulang na sina Arturo at Conchita Ordaz. 

Source: Mae Regala 
Wala siyang asawa at anak, ngunit mayroon naman daw siyang ilang kamag-anak. Binanggit din ng inhinyero kay Regala na may taong tumangay sa kanyang pera.

Source: Mae Regala



Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.