Binatang walang mga paa patuloy sa paghahanap-buhay para makatulong sa pamilya
![]() |
Source: Lala Cares |
Kilalanin si Ryan “Ipong” Moralidad na tubong Sibsib, Tulunan, Cotabato na hinangaan ng marami dahil sa sipag nito sa paghahanap-buhay. Hindi naging hadlang sakanya ang kanyang kawalan ng dalawang paa upang magpursige sa buhay. Kumakayod at nagsusumikap siya upang makaraos sa kahirapan sa kabila ng pandemya.

Source: Lala Cares |
Sa hinaharap ng pandemiya ngayon ay lalo pang nagsumikap si Ipong upang makatulong sa kanyang pamilya at hindi ito naging pabigat. Patuloy ang kanyang pagharap sa buhay na may dala-dalang lakas ng loob at determinasyon sa buhay.

Source: Lala Cares
Panganay sa walong magkakapatid si Ipong kaya naman labis ang pagpupursige nito sa kabila ng kaniyang kapansanan.

Source: Lala Cares
Inilarawan ng kanyang kamag-anak na si Irene Dioso si Ipong na mabait, matulungin, at masipag na bata si Ipong. Isinalaysay pa ng kanyang tiyahin na Grade 1 lamang ang natapos nito dahil huminto sa pag-aaral dahil sa pambu-bully ng mga tao.

Source: Lala Cares
Humanga at naging inspirasyon ng marami si Ipong na sa kabila ng kapansanan at pagsubok na dumating sa kanyang buhay ay patuloy siyang lumalaban sa pagharap sa buhay.
Source: Lala Cares
Source: Furry Category
No comments