Header Ads

Matandang babae na matiyagang naglalako sa gilid ng daan, inulan ng tulong mula sa mga netizens


Ngayon panahon ng pandemya, marami ang nawalan ng pangkabuhayan at pinagkakakitaan. Sa kabila ng ganitong sitwasyon, walang magawa ang mga ordinaryong tao lalo na ang mga mahihirap kundi ang kumayod kahit sa simpleng paraan lamang.

Katulad na lamang ng isang nanay na ito na nagtitinda sa gilid ng kalsada para lamang kahit paano ay kumita ng pera ngayong panahon ng pandemya. Sa post ni John Mark Cayao sa kaniyang facebook account ang kaniyang kuhang larawan ng isang matandang babae na may nakalatag na mga ibat-ibang paninda sa gilid lamang ng kalsada.


Makikita sa larawan ang sai-saring paninda nito, kagaya na lamang ng prutas na pinya, mga rootcrops, at mayroon pa din itong walis. Kahit mainit ang panahon, nagtitiyaga pa ring magtinda ang nanay na ito para lamang may pangkain sila sa araw-araw nilang pamumuhay.

Ayon pa post ni John Mark, dahil sa sipag at tiyaga ng matandang babae kahit nasa gitna ng sitwasyon natin ngayon ay naghahanapbuhay pa rin ito. Kaya naman labis na humanga sa kaniya si John Mark, dahil sa kasipagaan at katiyagaan nito sa pagtitinda kahit na may pandemya..


Kung kaya’t bilang tulong ni John Mark, siya ay nanawagan sa social media upang mabigyan ng tulong ang matandang babae.

Sa ginawang panawagan ni John Mark, inulan ng tulong ang matandang babae. Maraming mga netizens ang nagpaabot ng tulong sa matandang babae sa pamamagitan ng pagpakyaw ng kaniyang mga paninda.

At hindi lang yun, binigyan din ito ng tulong pinansiyal para pandagdag puhunan niya sa kaniyang negosyo, pambili ng pagkain at gamot. May mga nagpaabot rin ng mga groceries para sa kanilang pang-araw-araw na mga pangangailangan.


Labis ang tuwa ng matandang babae, dahil maaga raw siyang makakauwi na may dalang pagkain para sa kaniyang pamilya. Dagdag pa ng matandang babae, makakapagpahinga na rin daw siya pagkatapos ng buong araw niyang pagtitinda na bilad sa araw.

Taos pusong nagpasalamat si John Mark sa mga taong nagresponde sa kaniya na magbigay ng tulong sa matanda.

Labis rin ang naging pasasalamat ng matandang babae sa lahat ng taong tumulong sa kaniya. Tunay ngang kadakilaan na maituturing ang pagtulong sa kapuwa dahil ika nga nila, “ang tunay na nagmamahal sa kaniyang kapuwa ay siyang tunay na nagmamahal sa Diyos”.


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.