Header Ads

Andres Muhlach sinagot ang chika na nag-date sila ni Kyline Alcantara noon bago pa dumating si Kobe Paras

  • Andres Muhlach sinagot ang tanong hinggil sa ‘dating rumor’ nila noon ni Kyline Alcantara
  • Ayon kay Andres, hindi sila nag-date ng aktres pero nagkakilala na umano sila noon kasama si Atasha

Sinagot ni Andres Muhlach ang chika na sila ay nagdate ng singer-actress na si Kyline Alcantara.

Sa video na ibinahagi ni Allan Diones sa kanyang Youtube channel kuha sa mediacon ng sitcom ng ‘Da Pers Family,’ diretsahang nilinaw ni Andres ang hinggil sa isyu.

Ang rumor na ito ay lumabas bago pa man naibalitang nagdi-date sina Kyline at Kobe Paras.

Ayon sa anak ni Aga, hindi totoo na nag-date sila ni Kyline. Nagkakilala umano sila noon kasama si Atasha, at dahil mayroon silang common friends.

“No po. However, hindi naman niya itinangging magkakilala sila. “I’ve met her with Tash, pero dating no…No, I’ve never dated po,” paliwanag ni Andres.

Maging si Atasha ay pinatunayan ito at sinabing hindi totoo ang mga kumalat na rumor noon na nag-date sina Andres at Kyline.

“Oh yes, we’re all friends talaga. We’re all friends. Cause we’ve all met…we’ve all known about each other ’cause we have common, mutual friends,” ayon naman kay Atasha.

Ayon kay Andres, wala pa sa isip niya ang makipag-date dahil nais niyang bigyan ng oras ang kanyang trabaho.


No comments

Powered by Blogger.