Header Ads

Baron Geisler nagreact sa huling panayam ni Nadia Montenegro – May update sa anak na si Sophia

  • Baron Geisler nagreact hinggil sa huling panayam ni Nadia Montenegro
  • Nagbigay rin ng update ang aktor tungkol sa anak na si Sophia

Aktor na si Baron Geisler nagsalita hinggil na sa nakaraang panayam ng aktres na si Nadia Montenegro.

Ito ay kaugnay sa bunsong anak ni Nadia na si Sophia.

Kung matatandaan, inamin ni Nadia sa panayam ni Julius Babao na hindi anak ng kanyang yumaong asawa na si Macario Asistio ang bunsong si Sophia.

Bagaman, hindi pinangalanan ng aktres kung sino ang tatay ng anak mababatid na ang pinatamaan niya ay ang aktor na si Baron.

Nakapanayam ng press ang aktor sa private screening ng pelikulang Moro noong July 15 at nagsalita ng bahagya hinggil sa isyu at sinabing ‘no comment’ siya sa mga salitang binitiwan ng aktres na si Nadia.

Kasunod nito, masaya siyang nagbigay ng update hinggil sa anak na si Sophia.

Ayon sa aktor, binati umano ni Sophia ang kanyang asawang si Jamie noong kaarawann nito.

“I have no comment. Ang akin lang, I’m really happy that she greeted—Sophia greeted, or the child greeted my wife a happy birthday,” saad ng aktor.

“I would say na I’m very happy where I am right now. With Ms. Nadia Montenegro, I have no comments about that, sa sinabi niya,” dagdag pa ng aktor.


No comments

Powered by Blogger.