Header Ads

Dating direktor na si Ronaldo Carballo, tinawag na pokpok ang bagong aktres na ipinasok sa FPJs Batang Quiapo

  • Dating direktor nagpahayag ng panghihinayang sa pag-alis ni Ivana Alawi sa FPJs Batang Quiapo
  • Bagong karakter sa FPJs Batang Quiapo tinawag na ‘pokpok ni Ronaldo Carballo

Noong Martes, July 16, 2024, opisyal nang ipinakilala ang pinakabagong karakter sa FPJs Batang Quiapo at ito ay walang iba kundi si Kim Domingo.

Tama ang hula ng maraming netizens na si Kim Domingo ang bagong aktres na sasabak sa serye dahil paalis na ang karakter ni Ivana Alawi na si Bubbles.

Ang dating direktor na si Ronaldo Carballo ay naglabas ng opinyon hinggil sa bagong karakter na ito sa FPJs Batang Quiapo at hayagang tinawag na ‘pokpok.’

Ayon kay Carballo, “Ay, nagpasok na rin ng pokpok na ham actress na isinuka ng GMA7 ang Teleseryeng “Batang Quiapo. Nasa trailer na ito tonight for Tuesday episode.”

Ikinumpara rin ni Carballo ang hindi pinangangalang aktres kay Ivana. Nanghiyang ang dating direktor dahil aalis na umano si Ivana sa show.

“Sayang kase, umalis na si Ivana Alawi sa show as Bubbles. Si Ivana na tunay na maganda, sexy at tunay na mahusay na aktres,” saad ni Carballo.

Sana kumuha daw ang serye ng mas mahusay at mas maganda kay Ivana.

“Sana kumuha man lang sila ng kapalit ni Ivana na maganda rin talaga at mahusay pang aktres.

“Tulad nung pinalitan ni Ivana si Lovi Poe.

Talagang tinalbugan nya ang presence ni Lovi.

“Mas maganda; mas sexy at di hamak na mas mahusay si Ivana na aktres Kay Lovi.

“At hindi basta pokpok ang ipinalit na walang Talent na isinuka ng kanyang former station ang ipinalit nila Kay Ivana.

“Walang mangyayari sa career nya.

“Lalo lang syang magsa-suffer into comparison with Ivana.”


No comments

Powered by Blogger.