Header Ads

Jennylyn Mercado nagsalita na hinggil sa balitang siya ay lilipat ng network mula sa GMA

  • Jennylyn Mercado nagsalita na hinggil sa paglipat niya ng network
  • Hindi umano totoo na may offer sa kanya ang ABS CBN
  • Naghihintay pa umano siya ng kontrata mula sa GMA 7

Nagsalita na ang aktres na si Jennylyn Mercado hinggil sa balitang siya ay lilipat na ng bakuran.

Nag-ugat ito nang hindi makasama ang aktres sa GMA station I.D. pero ipinaliwanag na ng kanyang kampo ang dahilan hinggil rito at sinabing may ibang commitment si Jennylyn noong araw na ginawa ang shoot para sa nasabing station I.D.

Sa launch ni Jennylyn bilang bagong ambassador ng Beautederm products, natanong ito hinggil sa isyu.

Paliwanag ng aktres, hindi totoo na may offer ang ABS CBN sa kanya.

Nasa 20 years na umano siyang Kapuso at masaya siya dahil hanggang ngayon nananatili pa rin siyang Kapuso.

Iginiit ng aktres na mananatili siya sa GMA 7 at sa ngayon naghihintay na lamang siya ng kontratang pipirmahan mula sa pamunuan ng network.

Ayon mismo kay Jennylyn, “Palagi naman akong Kapuso… ang daming nag-aantay ng sagot. Ako naman, 20 years na po akong Kapuso, and I’m very thankful na hanggang ngayon po ay Kapuso pa rin.”

We’re just waiting for the contract, pero happy pa rin akong Kapuso. Kung gusto pa rin nila ako,” saad pa ng aktres.


No comments

Powered by Blogger.