Header Ads

Remember Kristine Garcia? Then and Now

  • Si Kristine Garcia ay isa sa mga teen stars noong dekada 80
  • Lumiban ng showbiz si Kristine upang bumuo ng sariling pamilya
  • Siya ay ikinasal sa isang non-showbiz guy pero hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon
  • Sa isang panayam, inamin ni Kristine na nagkaroon sila ng ugnayan ng negosyanteng si Atong Ang

Higit 50 dekada na ang Regal Films sa pagpapasikat ng mga mahuhusay na artista sa pelikulang Pilipino. Ilan dito sina Maricel Soriano, Gabby Concepcion, Snooky Serna, Albert Martinez, Dina Bonnevie at marami pang iba.

Hindi naman magpapahuli ang regal baby na may magandang mukha at mahusay umarte na si KRISTINE GARCIA.

Tulad din ng ilang mga artista, maagang nagsimula sa mundo ng Philippine showbiz si Kristine dahil ang kanyang mga magulang ay pawang mga aktor rin na umaarte noon sa teatro at pelikula.

Ilan sa mga nagawang proyekto ni Kristine ay ang mga pelikulang“Exploitation,” “Mortal Sin,” “Kahina-hinala,” “When Heaven Judges,” “Dyesebel,” at “Started With a Heart.”

Higit na nagpayabong sa karera ng aktres ang pagkakasama niya sa mga pelikula ng mga beterano at beteranang mga artista tulad na lamang ni Charito Solis, Gloria Romero, Chanda Romero, Amalia Fuentes, Dante Rivero, Pilar Pilapil, at Rosemarie Gil.

Naitambal din siya sa mga itinuturing na hearthrob ng kanilang panahon gaya na lamang ni Albert Martinez.

Sa paglipas ng panahon, naging matamlay ang naging karera ni Kristine. Nabalitaan na lamang na ito ay lumagay na rin sa tahimik at bumuo ng sariling pamilya.

Una siyang ikinasal sa isang nagngangalang William Villarama, pero hindi rin nagtagal ang kanilang pagsasama at tuluyang naghiwalay.

Sa isang panayam ng PhilStar Global, inamin ng aktres na nagkaroon siya ng relasyon sa kontrobersiyal na negosyante na si Atong Ang.

Kalaunan, nakahanap ng bagong pag-ibig si Kristine. Noong Septyembre 19, 2019, siya ay ikinasal kay Ruben Tizon.

Sa Kasalukuyan, masayang namumuhay si Kristine sa Las Vegas Nevada kasama ng kanyang asawa at mga anak.

Kung may pagkakataon, siya ay nagpapaunlak na lumabas sa ilang programa sa Kapamilya Network. Huli siyang napanood sa Maalaala Mo Kaya noong taong 2018.


No comments

Powered by Blogger.