Header Ads

Nadia Montenegro nakahingi ng tawad sa asawang si Macario Asistio bago ito pumanaw – Alam na si Baron Geisler ang ama ng bunso na si Sophia

  • Nadia Montenegro inamin na alam ni Boy Asistio na si Baron Geisler ang tunay na ama ng bunsong anak na si Sophia
  • Ayon sa aktres, nagkaroon umano sila ng closure ni Boy bago ito pumanaw

Inilahad ng aktres na si Nadia Montenegro ang hinggil sa huling sandali na nakausap niya ng matagal si Macario Asistio, ang ama ng kanyang pitong anak.

Ito umano ay nangyari dalawang linggo bago sumakabilang buhay ang dating asawa.

Ayon kay Nadia, alam umano ni Boy na hindi nito anak ang bunsong si Sophia at ang tunay nitong ama ay si Baron Geisler.

Hiniling umano ni Boy kay Nadia na huwag muna ipagtapat kay Sophia ang hinggil dito dahil ayaw nitong magbago ang pakikitungo ni Sophia sa kanya bilang ama.

“All he asked me was not to tell her until he was gone and I kept that promise dahil ayaw niyang magbago ang tingin ni Sophia sa kanya,” pagtatapat ng aktres.

Sa dalawang oras na pag-uusap nila ni Boy bago ito pumanaw, nakahingi umano siya ng tawad at nagkaroon sila ng closure.

“When I went down to his room, that’s when we started talking. We had a two and a half hour talk that we never had for 29 years. And it was one of the most amazing moments that I will thank God for because of the closure, the forgiveness,” saad ng aktres.


No comments

Powered by Blogger.