Header Ads

Remember Patrick Dela Rosa? Then and Now

  • Dating aktor na si Patrick Dela Rosa, ganito pala ang naging buhay matapos iwanan ang showbiz
  • Pinasok ni Patrick ang pulitika pero nasangkot sa kontrobersya at nakulong
  • Siya rin ay kaagad nakalaya
  • Ibinahagi ng aktor sa isang panayam na wala na siyang balak na bumalik pa sa showbiz

Si Perfecto Dela Rosa o mas kilala sa screen name na Patrick Dela Rosa ay kilalang ‘matinee idol turned sexy actor’ noong dekada 80.

Bago nag-artista, nag-aral si Patrick sa San Sebastian College at kumuha ng kursong AB Economics. 

Nadiskubre ni Mother Lily si Patrick nang mapanood ito sa isang toothpaste commercial.

Sa edad na 19, nagsimula si Patrick sa kanyang karera bilang artista matapos pumirma ng kontrata sa Regal Films.

Sa panayam ng PEP, nagbalik-tanaw si Patrick sa kanyang nakaraan sa showbiz. Ayon sa kanya, hindi umano siya makapaniwala na magiging isa siyang ganap na artista dahil hindi niya ito pinangarap.

Ilan sa mga unang proyektong kanyang ginawa ay ang mga pelikulang “The Shame” noong 1983 at “Hepe: Hindi ka na Sisikatan ng araw” noong 1990 na pinagbidahan ni Eddie Garcia.

Nalinya rin si Patrick sa pagiging isang sexy star. Kabilang sa mga sexy films na kanyang ginawa ay ang Uhaw sa Pag-ibig, Sinner or Saint, Harot, at Bedtime.

Sumalang din siya sa mga maaksiyong pelikula tulad ng “Alfredo Lim Story, Estribo Gang, at Ping Lacson: Supercop.

Kalaunan, sumubok rin si Patrick maglingkod sa gobyerno bilang board member sa Oriental Mindoro, subalit habang siya ay nakaupo sa pwesto nasangkot siya sa isang kontrobersiya.

Ilan sa mga alegasyon sa kanya ay korapsyon, estafa at kasong ‘rape’ sa isang college student na naging dahilan para siya makulong noong 2010.

Ang akusasyon na panggagahasa ay mariing pinabulaanan ng dating aktor.

Kasunod nito, naareglo umano ang kaso kaya naman siya ay napalaya at nagbakasyon sa Amerika. Sa kanyang pagbabalik, nagsilbi si Patrick bilang acting Vice-Governor sa Calapan. 

Aminado ang aktor na namimiss niyang umarte pero wala na raw siyang balak na bumalik pa sa showbiz. 

Bagaman wala na sa showbiz, nakakabonding niya pa rin ang mga kapwa aktor noon tulad nina Lito Pimentel, Edgar Mande, at PJ Abellana.


No comments

Powered by Blogger.