Header Ads

Rosmar Tan ibinibenta na ang R Mansion at Restobar sa Laguna

Photos: Rosmar Tan
  • Rosmar Tan ibinibenta na ang ‘R Mansion Resort at Restobar’ sa Laguna
  • Maaari pa rin umanong gamitin ang pangalan ng property ng sinumang makakabili

Maraming netizens ang nagulat sa pinakabagong post ni Rosmar Tan sa kanyang social media account. Ito ay dahil ibinibenta na ng negosyante ang R Mansion Resort & Restobar sa Laguna.

Kung matatandaan, ito ang parehong restobar na pinipilahan noon ng mga tao dahil sa pares overload at unli-swimming para sa mga customers.

Sa mismong announcement ni Rosmar, binanggit nito na kung sinuman ang bibili ng naturang property ay malaya pa ring magagamit ang pangalan ng lugar kung nanaisin.

Ayon pa sa isang hiwalay na post ni Rosmar, tuluyan nang isasara ang naturang restobar nitong darating na July 22, 2024.

Samantala, sari-saring komento naman ang natanggap ng post na ito ni Rosmar mula sa mga netizens.

Nanghihinayang pa ang ilan dahil hindi pa sila nakakain sa naturang parehan pero ito ay magsasarado na.

Nilinaw naman ng negosyante na lahat ng mga tauhan niya sa nasabing restobar ay hindi mawawalan ng trabaho dahil ililipat sila sa isa pang branch sa Tagaytay.


No comments

Powered by Blogger.