Header Ads

Video: Herlene Budol agaw-eksena sa GMA Gala 2024 – Nahulog habang rumarampa

  • Herlene Budol nahulog habang rumarampa sa GMA Gala
  • Maraming netizens ang nagpabatid ng awa para sa beauty queen actress

Ngayong gabi ng July 21, 2024, kasalukuyang ginaganap ang taunang pagtitipon ng mga Kapuso stars sa isang event na tinatawag ng GMA Gala.

Dinaluhan ito ng mga malalaking celebrities ng GMA network bilang ‘thanksgiving.’

Kanya-kanyang rampa ang bawat isa, kaya naman talagang nagningning ang red carpet ng GMA Gala 2024 event na ito.

Isang kaganapan naman ang pumukaw sa madla dahil sa aksidenteng nangyari sa beauty queen na si Herlene Budol.

Sa video na kumakalat, makikita si Herlene na inirarampa ang kanyang kasuotan nang bigla na lamang nangyari ang hindi inaasahan.

Nalaglag si Herlene mula sa entablado.

Sa background ng video, maririnig naman ang mga tao na kaagad napasigaw bunsod ng pagkagulat at pag-aalala sa nangyari kay Herlene.

Narito ang ilang reaksyon mula sa netizens.

Nag dive si accla! Jusko sana okay lang siya nauna pa naman mukha niya huhuhu”

“Kitang kita mo talaga kung gaano kasama yung ugali ng mga tao dito. Naaksendente na nga yung tao pagtatawanan pa. Nakakadiring ugali meron kayo”

“Hndi nadapa nung Bb. Pilipinas pero dto nadapa”


No comments

Powered by Blogger.