Header Ads

Barbie Forteza tumakbo para tulungan si Herlene Budol matapos mahulog sa entablado

  • Barbie Forteza tinulungan si Herlene Budol matapos mahulog sa entablado habang rumarampa sa GMA Gala 2024
  • Marami ang nagpabatid ng paghanga sa aktres dahil hindi nito inalintana ang gown na suot at kaagad na tinakbo si Herlene

Marami ang humanga sa aktres na si Barbie Forteza sa ginawa nitong pagtulong sa beauty queen na si Herlene Budol na nahulog mula sa entablado kagabi, July 20, 2024 habang ginaganap ang GMA Gala 2024.

Sa isang Tiktok video, mapapanood si Barbie na magiliw na rumarampa sa entablado. Panay ang kanyang kaway sa audience area at talagang ini-enjoy niya ang moment.

Sumunod sa kanya ang beauty queen na si Herlene Budol at nagpanagpo sila sa entablado. Nagkawayan pa ang dalawa at tuloy sa pagrampa.

Maya-maya pa nagkaroon na ng komosyon dahil nalaglag na pala si Herlene mula sa entablado.

Sa puntong ito kitang-kita ang pagkagulat ni Barbie at kaagad nagtatakbo patungo sa beauty queen actress.

Bagaman naka-gown si Barbie, hindi niya ito inalintana at tuloy sa pagtakbo papunta kay Herlene upang magbigay ng tulong.

Makikita sa nasabing video na isa si Barbie sa mga unang umalaylay kay Herlene na halos nawalan ng poise habang papatayo.

@easondeguzman

Salute to Ms. @barbieforteza8doneyet for being so elegant, true and caring even on stage Taken using the #HONOR200Pro #GMAGala2024 #HONOR200xGMAGala2024 #HONOR200

♬ original sound – Eason de Guzman Jr – Eason de Guzman Jr

No comments

Powered by Blogger.