Header Ads

Balik-tanaw: Ang buhay at katapusan ng mahusay na aktor na si Johnny Wilson

  • Si Johnny Wilson ay kilalang character actor noong nabubuhay pa
  • Bukod sa pag-aartista, siya rin ay isang cartoonist
  • Naging potiliko din siya at naglingkod noon sa Makati bilang konsehal at Vice Mayor
  • Siya ay pumanaw sa edad na 65 dahil sa isang uri ng cancer
  • Naulilala niya ang kanyang dalawang anak kabilang ang singer na si Monique Wilson

Si Johnny Wilson ay Filipino actor na nagsimula sa entertainment industry noong 1960s. Siya ay nasa late 20s nang sumubok sa pag-aartista. Madalas na ginagampan niya noon ay bilang kontrabidang mayaman.

Ang ganitong klaseng role ay bagay na bagay kay Johhny hindi lang dahil siya ay mestisuhin at mukhang mayamam, kundi dahil sa kanyang mahusay na pagganap na talaga namang kinkainisan ng mga manonood.

Una siyang lumabas sa pelikulang “The Night Owl noong 1964, na pinagbidahan nina Helen Gamboa at Eddie Mesa.

Tumatak din sa mga Filipino audience ang naging karakter niya sa mga pelikulang “O! Pagsintang labis” noong 1967, “Isang bala ka lang!” noong 1983, at “Anak ng Cabron” noong 1988.

Sa kanyang ipinakitang husay, tuloy-tuloy na nabigyan ng mga proyekto si Johnny bilang supporting role hanggang sa huli niyang pelikula noong 1997 na may pamagat na “Nakalimot sa Pag-ibig.” Ginampanan niya rito ang karakter bilang mayaman na si Don Servando.

Dahil likas sa kanilang pamilya ang may ‘good looks’ at may talento, maging ang kanyang anak na si Monique Wilson ay sinuportahan niya sa kagustuhan nito na maging isang singer at artista. Kung matatandaan, si Monique ay maaga namulat sa entertainment indutry sa edad na nine.

Tubong Makati si Johnny at ayon sa patotoo ng ilan sa kanyang mga kapitbahay, mabait na tao umano si Johnny, mapagpakumbaba at magiliw sa tao.

Habang nag-aartista ay naging abala din noon si Wilson sa pulitika.

Sya ay naging konsehal sa Makati, at kalaunan ay nahalal bilang Vice Mayor. Naging acting mayor naman siya noong panahong sumakabilang buhay ang mayor ng Makati na si Memesio Yabut, taong 1986.

Bukod dito, napag-alaman din na isa ring mahusay na cartoonist si Johnny Wilson. Siya ay naging cartoonist sa pahayagang Inquirer noong nabubuhay pa. Siya ang may likha ng strip na may pamagat na ‘Aling Brigida.’

Samantala, isang malungkot na balita naman ang bumungad sa pamilya, kamag-anak at mga kaibigan ni Wilson sa pulitika at showbiz noong huling bahagi ng taong 2004.

Ayon sa report, si Johnny Wilson ay pumanaw sa edad na 65 noong December 30, 2004. Ito ay dahil umano sa sakit na lung cancer. Naulila niya ang kanyang asawa at mga anak na sina Monique Wilson at Jamie Wilson.


No comments

Powered by Blogger.