Header Ads

Transgender pinatayo ng 2 oras ang isang waiter dahil tinawag siyang SIR

  • Isang transgender viral matapos patayuin ng dalawang oras ang isang waiter na tumawag sa kanya na ‘sir’
  • Nagsalita na ang nasabing customer at ipinagtanggol ang sarili
  • Nagbigay na rin ng pahayag ang Ulli’s restaurant hinggil sa pangyayari

Viral ngayon sa social media ang isang member ng LGBTQI+ dahil sa umano’y pagpapatayo nito sa isang waiter ng dalawang oras.

Isang nagngalang John Calderon ang nagbahagi ng buong pangyayari sa pamamagitan ng isang Facebook post. Nangyari umano ito sa Ullis Ayala Center Cebu.

Ayon sa nasabing post, alas-sais ng hapon July 21, 2024 nang mapansin niya ang isang waiter na nakatayo habang kausap ng isang customer na kinilala bilang si Jude Bacalso.

Kasama ni Calderon noon ang kanyang ina at sila ay nagtataka dahil halos dalawang oras nang nakatayo ang lalaking waiter. Nilapitan nila ito at magalang na tinanong ang customer na si Bacalso kung ano ang nangyari.

Sinagot naman sila nito ng mga katagang “Go ask him what happened.”

Matapos tanungin ang waiter, nalaman nila na ang puno’t dulo ng lahat ay ang pagtawag nito ng ‘sir’ sa transgender na customer.

“Natawag nako shag sir,” saad ng waiter.

Matapos tanungin, dinala ni Calderon ang waiter sa staff room at doon na ito napaluha at dumanas ng panic attack.

May ibang staff na ng Ulli’s ang nakialam at humingi ng dispensa kay Bacalso ngunit hindi ito nagpatinag.

Ayon pa kay Calderon, marami umanong tinanong ang nasabing customer para sa waiter na hindi nito masagot. Tila ang mga tanong ay may kinalaman umano sa maling pagtawag sa kasarian.

Saad pa umano ng customer, “Well, you will be standing there until you can answer my question.”

Humingi naman ng tawad ang nasabing waiter maging ang mga kasamahan nito, nataon naman na wala na ang manager ng Ulli’s at tila nabanaag na ang pagkalungkot sa mga mata ng mga empleyado dahil sa pangyayari.

Hindi na napigilan ni Calderon na maglabas ng saloobin sa ginawa ni Bacalso. Ayon sa kanya, wala itong karapatan na tratuhin ang sinuman ng ganoon. Mahirap man o mayaman ay may Karapatan bilang tao.

Let me ask you—kinsa ka nga magpabarog og tawo just because of that mistake? Wala kay katungod mu treat og mga tawo sama sa imong gibuhat sa server na gipabarog nmo atubangan pajud sa imo for 2 hours. Daghan tawo nangagi sa Ulli’s imagine duol na sa entrance/exit. Bisan kinsa pa na ma-pobre or ma-datu wa kay katungod mu ingon ana kay tawo rana. Ikaw mismo kahibaw ka og asa ka gasugod dili ta mag hinilas. Wala lang jud ko naka video kay focus ko sa server na gahilak.”

Nilinaw din ni Calderon na siya mismo ay parte ng LGBTQI+ pero sa ginawa umano ni Bacalso ay hindi katanggap-tanggap at nakakahiya para sa buong LGBT community na ang tanging adbokasiya ay ang pantay na Karapatan. 

“Also, you voicing for LGBTQ? For that mere mistake sa server, is that how you want to influence? Part ko sa LGBT myself and you bring shame sa atong community na grabe ka nakayatak sa katungod sa tawo. I am calling you out and you being held accountable sa imong actions.

Bisag asa ta mag-abot di tika atrasan. Kalit raman kag kawala on where you were seated, you should be there to address that.”

Binasag naman ni Bacalso ang kanyang katahimikan sa hiwalay na Facebook post gamit ang sariling account.

Pag-amin ni Bacalso, totoo umanong pinatayo niya ang waiter nang halos dalawang oras dahil sa pagtawag sa kanya ng “SIR.”

Ganun pa man, hindi umano siya nagdemand na tumayo ang waiter, nangyari lamang umano ito dahil naghihintay sila na maresolve ang isyu kasama ang mga may-ari ng restaurant.

Ayon pa sa kanya, maging ang kanyang mga students at pamangkin ay tinatawag siyang sir at uncle. Kaya naman baliwala aniya sa kanya ang matawag sa maling kasarian dahil sanay na siya rito. Kung may pangyayari raw na magkaroon ng pagkakamali, ginagawa niya itong pagkakataon upang ma-educate ang lahat.

“My students call me sir and my nephews and nieces call me uncle, so it is no skin off my nose and it is funny to me that transphobes seem to think I am anguished by it. I am used to being misgendered, and if it is an honest mistake, I take that as an opportunity to educate,” saad ni Bacalso.

Kasunod nito, naglabas na rin ng pahayag ang Ulli’s Street of Asia. Humihingi ito ng paumanhin sa kanilang mga guest sa nakasaksi sa pangyayari. Sinisigurado umano nila ang kapakanan na mabigyan ng tamang kaalaman ang kanilang mga empleyado para sa kabutihan ng karamihan.

Nirerespeto rin ng Ulli’s ang lahat ng uri ng tao kabilang na ang LGBT community. Sa kabilang banda, naninindigan din sila na sila’y nanatiling nakasuporta sa kanilang mga empleyado. Layunin umano nila na magkaroon ng ligtas at marespetong kapaligiran para kanilang mga empleyado at customer.


No comments

Powered by Blogger.