Header Ads

Gutierrez family nagluluksa sa pagpanaw ni Alexa, sister-in-law ni Ruffa Gutierrez

  • Sister-in-law ni Ruffa Gutierrez na si Alexa pumanaw na sa edad na 38
  • Isang nakakaantig na pamamaalam ang ibinahagi ng aktres para kay Alexa

Sister-in-law ni Ruffa Gutierrez na si Alexa Uichico pumanaw na.

Ibinahagi ng aktres na si Ruffa Gutierrez ang malungkot na balitang pagpanaw ng kanyang sister-in-law na si Alexa sa pamamagitan ng magkakasunod na Instagram story ngayong araw, July 28, 2024.

Dito ay makikita ang ilang larawan ng mga masasayang alaala nila kasama si Alexa. Base sa post, sumakabilang buhay si Alexa kahapon, July 27, 2024 sa edad na 38.

Ayon kay Ruffa, “I am still trying to process and accept that you are no longer with us. It’s so hard… Words cannot express how heartbroken and shocked I am. I love you so much my beautiful, irreplaceable Alexa. You will forever be in my thoughts and in my heart. Until we cross paths again… I’ll write more when able.”

Si Alexa Uichico ay asawa ng kapatid ni Ruffa na si Elvis. Kung matatandaan, sumailalim sa gamutan si Alexa kasunod pagkakasakit nito ng leukemia.

Noong July 1, nakapagdiwang pa si Alexa ng kanyang ika-38th na kaarawan habang naka-confine sa St. Lukes Hospital.


No comments

Powered by Blogger.