Header Ads

Ina ng 8-anyos na batang natagpuan sa loob ng isang sako nanawagan ng HUSTISYA

Kalunos-lunos ang sinapit ng walong taong gulang na bata na nagngangalang Rylai Kaye Barrun na residente ng Baranggay Sta. Ana, Taytay, Rizal.

Ang musmos at wala nang buhay na katawan ni Rylai Kaye ay natagpuan na nakasilid sa isang sako sa Block 20 Arenda Taytay, Rizal nitong Huwebes, September 12, 2024.

Bago ito, naglathala ng isang panawagan si Kristelle Ann Albotra sa sinumang nakakaalam ng kinaroroonan ng kanyang anak na nawawala umano. Bumilang lang ng ilang oras bago sila nakatanggap ng tawag na may natagpuang bata sa Lupang Arenda, Taytay,Rizal.

Ang bata ay nakasilid umano sa isang sako at wala nang buhay.

Kinumpirma ni Albotra na ang batang natagpuan sa loob ng sako ay ang kanyang anak na si Rylai Kaye.

Sa isang Facebook post, nagpabatid ng paghihinagpis si Albotra sa pagpanaw ng kanyang anak. Ipinagtataka niya rin kung bakit ganito ang ginawa sa kanyang anak samantalang wala naman umano silang kaaway.

“Anak ko [crying emojis] wlaa naman kami kagalit at hindi ka naman salabhe bakit ganun? Napakahayup ng taong pag iisipan ka ng ganun [crying emoji] mahal mna mahal na mahal kita ate [emojis] wag mong bigyan ng katahimikan ang gumawa sayo nun [crying emojis].”

Sa isa pang hiwalay na post, sinabi ni Albotra na lalaban siya at kanyang asawa upang makamit ang hustisya para sa kanilang anak na walang awang pinaslang.

“Nak hindi titigil si mama at papa laban ka lang din kung nasan ka man kapit lang tatatagan namin maghanap sayo tatagan mo din loob mo mahal na mahal ka namin [heart emoji] durog na durog kami ngayon pero kakayanin namin ni papa mahanap ka lang.”


No comments

Powered by Blogger.