Header Ads

Kris Aquino umuwi ng Pilipinas kasama ang kanyang nobyo na doktor

Nakabalik na ng Pilipinas ang Queen of All Media na si Kris Aquino. Ito ay matapos ng ilang taon na pananatili sa Amerika para sa kanyang gamutan.

Ilang mga larawan ang inilabas sa social media ng mga kaibigan ni Kris kung saan makikita ang kanilang grupo na nasa airport. Nasa 11 katao umano ang kasama ni Kris na umuwi sa Pilipinas kabilang na si Bimby, tatlong nurse, at tatlong doktor.

Samantala, binanggit naman ni Ogie Diaz sa pinakabago nitong showbiz update sa Youtube na kasama rin umano ni Kris sa pag-uwing ito ang kanyang nobyo.

Naglabas pa si Ogie ng larawan kung saan, sinabi niya na hulaan na lang umano kung sino sa mga kasama ni Kris ang tinutukoy niyang nobyo nito. 

Kung matatandaan, inamin ni Kris sa isang panayam na mayroon na siyang bagong nobyo at ito ay isang doktor.

Ang pag-uwing ito ni Kris ay hindi nangangahulugan na siya ay magaling na o wala nang panganib sa kanyang kalusugan.

Sa kanyang Instagram post nitong Huwebes, September 12, inamin ni Kris na lumabas ang ikaapat na autoimmune disease niya noong buwan ng Hunyo 2022. Bagaman, ganito ang kanyang kondisyon, mas pinili niyang umuwi upang makapiling ang kanyang mga kapatid, mga pinsan at mga malalapit na kaibigan upang mapaghugutan niya ng ‘encouragement’ para sa gagawing chemotherapy na nakatakdang isagawa dalawa hanggang tatlong linggo mula ngayon.


No comments

Powered by Blogger.