Header Ads

Doktor sa Singapore nagtaka sa mabilis na pagbuti ng kalagayan ni Doc Willie Ong – Wala nang problema sa lab results

May magandang balita ang celebrity doctor na si Willie Ong sa kanyang mga tagasubaybay.

Sa pinakabagong video na ibinahagi ni Doc Willie sa kanyang mga followers, mapapansin na tila maganda na ang kalagayan nito kumpara noong mga unang araw na inanunsyo niya ang hinggil sa kanyang sakit na sarcoma cancer.

Ayon kay Doc Willie, medyo nagiging mabuti na umano ang kanyang kalagayan at tila positibo siya na malalampasan niya ang pagsubok na ito sa kanyang kalusugan. Sa ngayon, malakas na umano siyang kumain at ito ay nakakatulong upang malababan ang bukol sa kanyang sikmura.

Pagbabahagi pa ni Doc Willie, dumating na ang bagong lab results at magandang daw ang mga resulta nito. Nagtaka umano ang kanyang doktor dahil tila mabilis ang kanyang paggaling. Maging ang kanyang kidney ay wala umanong problema.

Ayon pa sa kanyang doktor, sa susunod na linggo maaari na nilang suriin o tingnan kung tuluyan na bang lumiit ang nasabing bukol.

Ang balitang ito ni Doc Willie ay naghatid ng kasiyahan sa kanyang mga tagahanga dahil tila dinidinig na umano ang mga panalangin nila para sa celebrity doctor.

Nitong araw lamang ng Miyerkules, October 2, nagfile na ng certificate of candidacy si Doc Willie. Siya ay tatakbo bilang senador sa Halalang 2025. Bagaman may dinaramdam na sakit, hindi umano siya titigil sa pagtulong sa mga taong naghihirap sa Pilipinas, lalo at batid niya na marami sa mga politiko ang mga kurakot.


No comments

Powered by Blogger.