Header Ads

Sikat na online seller ng Brilliant Skin na si Lerms Lulu at asawa nito patay matapos pagbabarilin

Isang malagim na trahedya ang sinapit ng kilalang online seller na si Lerms Lulu at ng kanyang asawa na si Arvin. Ito ay matapos silang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang mga salarin.

Base sa testimonya ng mga nakasaksi, nasa byahe umano ang mag-asawang Lulu mula sa isang transaksyon nang bigla na lamang silang pagbabarilin. Tinamaan umano sina Lerms at Arvin pero hindi naman nasaktan ang kanilang anak na kasama nila noong mga oras na iyon.

Kaagad naman daw na isinugod sa ospital ang mag-asawa pero sila ay idineklarang dead on arrival ng mga doktor na sumuri.

Si Lerms Lulu ay isa sa mga top distributors ng Brilliant Skin na pagmamay-ari ni Miss Glenda dela Cruz. Kaya naman, isa si Miss Glenda sa mga unang nagpabatid ng pakikiramay sa mga naulila ng mga biktima.

Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ang kaso at inaalam pa ang posibleng anggulo sa nangyaring krimen.


No comments

Powered by Blogger.