Header Ads

Rosmar Tan nanawagan ng hustisya para sa kapwa online seller na si Lerms Lulu at asawa nito na pinaslang

Maraming netizens ang nagulantang sa sinapit ng mag-asawang negosyante at online seller na sina Lerms Lulu at Arvin.

Sina Lerms at Arvin ay pumanaw sa malagim na paraan kahapon, October 4, 2024. Sila ay ibinalitang pinagbabaril matapos ang isang transaksyon sa negosyo. Naisugod pa sa ospital ang mag-asawa pero hindi na kinaya pa at tuluyang pumanaw.

Ang kanilang anak na kasama nila noong oras ng insidente ay ligtas naman mula sa kapahamakan.

Samantala, isa sa mga kaibigan at kapwa seller ng mag-asawa na si Rosmar Tan ay nagpahayag ng pagkabigla at pagkalungkot sa pangyayari. Kumare niya umano si Lerms at kinukondena niya ang walang awang pagpaslang rito at sa asawa nitong si Arvin.

Nanawagan din si Rosmar sa mga may matataas na katungkulan sa Pampanga na mabihgyan ng hustisya ang kanyang kumare.

Ani Rosmar, “Rip Mare Lerms Lulu sa mga kakilala ko na matataas na tao sana matulungan nyo bigyan ng hustisya ang kumare ko. Lalo na po kay Nanay Pineda at Gov Pineda Sana po matulungan nyo sila dyan sa pampanga.”


No comments

Powered by Blogger.