Header Ads

Mag-asawang online sellers na sina Lerms Lulu at Arvin nakaburol na

Pinaglalamayan na ang mga yumaong online sellers na sina Lerms Lulu at Arvin.

Isang larawan ang ibinahagi ng kanilang kaanak sa social media na nagpaluha sa mga malalapit nilang na kaibigan at tagasuporta. Magkatabi ang mga ataul ng mag-asawa na napapalibutan ng mga puting bulaklak.

Sina Lerms at Arvin ay mag-asawa na negosyante. Sila ay nagsimula bilang online sellers ng mga beauty products. Kalaunan naging distributor si Lerms ng Brilliant Skin ni Miss Glenda Dela Cruz.

Ang kanilang buhay ay tinapos sa malagim na paraan ng mga walang kaluluwang salarin na sa ngayon ay patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan. Nitong araw ng Biyernes, October 4, pinaulanan ng bala ang mag-asawa matapos ang pakikipagtransaksyon sa negosyo.

Ang kanilang pitong gulang na anak ay nasaksihan pa ang pangyayari kaya naman trauma rin ang inabot nito sa kasalukuyan.

Ayon sa pulisya, isa sa mga tinitingnan na anggulo ng pagpaslang ay ang mismong negosyo, mga pinagkakakitaan ng mag-asawa.

Isa sa mga huling post ni Lerms bago ang kanyang pagpanaw ay patungkol sa ‘utang’ na dapat umanong bayaran. Tila siya ay may pinariringgan na isang kapwa seller o kapwa negosyante na hindi nagbabayad ng utang.


No comments

Powered by Blogger.