Trese anyos na binatilyo, patay matapos itong pagbabarilin!
Patay ang isang 13-anyos na lalaki matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga kalalakihan.
Ayon sa ulat ng GMA regional TV, Balitang Bisdak, ang pangyayari ay naganap noong Lunes ng gabi Oktubre 21, 2024 pasado 10:00 ng gabi sa Sitio Lahing-Lahing Dos na nasasakupan ng Brgy. Mabolo, Cebu City.
Sa panayam sa ina ng biktima, kakauwi lamang ng kanyang anak sa kanilang bahay nang magpaalam ito na muli na aalis kasama ng ilan niyang kabarkada hanggang sa mabalitaan niya na lang ang nangyaring pamamaril sa kanyang anak.
Nagawa pa umanong makatakbo ng biktima ngunit hindi na rin nakaligtas pa dahil sa mga tinamong pinsala.
Ayon sa mga nakasaksi, dalawang lalaki na nakabonet ang biglaan na lamang nagpaulan ng putok sa biktima at mga barkada nito habang kumakain sa ikatlong palapag ng isang bahay. Base sa inisyal na imbestigasyon, may kinalaman sa ipinagbabawal na gamot ang naging sanhi ng krimen.
Ito ay pinatotohanan naman ng ina ng biktima. Aniya, siyam na taon pa lang diumano ang kanyang anak ay runner na ito sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.
Hiling naman ng ina ng biktima ang hustisya at ang pakikipagtulungan ng mga barkada nito na magsalita na sa pulisya sa anumang alam nila sa insidente.
No comments