Buhay ni Angelica Yulo gagawan ng pelikula – papatirahin sa Php95M worth na bahay
Isasapelikula ang buhay ng kontrobersyal na ina ni Carlos Yulo na si Angelica Yulo. Ito ang nasagap na balita ni Ogie Diaz mula sa kanyang mapagkakatiwalaang source.
Tinalakay ang hinggil sa isyung ito sa Youtube channel ni Ogie Diaz na Ogie Diaz Showbiz Update nitong nakaraang araw, November 9, 2024.
Ayon kay Ogie, isang mayamang negosyante umano ang nagpaplano na gawan ng pelikula ang makulay na buhay ni Angelica Yulo. Ito rin ang parehong negosyante na pinasalamatan ni Angelica na naghandog sa kanyang ng free accommodation habang nagbabakasyon sa Singapore noong nakaraang linggo.
Ayon pa sa nasagap ni Ogie, nais din daw patirahin ng nasabing negosyante ang pamilya Yulo sa bahay nito na nagkakahalaga ng Php95M. Hindi naman ito tuwirang ibinibigay, pero base sa narinig ni Ogie, maaari umanong tumira ang pamiya Yulo sa mansyong ito hanggang gusto nila.
Tila awa-awang ang nasabing mayamang negosyante sa mag-asawang Yulo bunsod ng pang-iisnab ng kanilang anak na si Carlos Yulo, ang two-time Olympic gold medalist.
No comments