Header Ads

Paolo Contis kinumpirma na siya ay single nang muli!

Aktor na si Paolo Contis ibinahagi sa madla na siya ay single na sa kasalukuyan.

Ang pag-amin na ito ni Paolo ay ginawa niya sa panayam ni Boy ABunda sa programang Fast Talk na ipinalabas nitong gabi ng November 14. Sa nasabing episode ng Fast Talk, kasama ni Paolo bilang guest ang kapwa aktor na si Kokoy de Santos.

Tinanong ni Boy ang dalawang aktor kung sila ba ay single.

Unang sumagot si Kokoy at sinabi nito na siya ay single sa kasalukuyan. Matapos nito kaagad ding sumagot si Paolo at diretsahang inamin na maging siya ay single rin sa ngayon.

Ito ay bilang pagkumpirma sa kumakalat na rumor na hiwalay na sila ni Yen Santos.

Kung matatandaan, nagsimula ang breakup isyu ng dalawa noong buwan ng Mayo 2024. Ito ay nang mapansin ng netizens na binura na ng aktres ang birthday greeting niya para sa aktor. Kasunod nito ay ang pag-unfollow ng dalawa sa isa’t isa.

Kung matatandaan, naging malaking balita noon ang pagiging magkarelasyon nina Paolo at Yen. Ang kanilang pagsasama ay itinurong dahilan ng pakikipaghiwalay ng aktor sa dating kinakasama na si LJ Reyes.


No comments

Powered by Blogger.