Kapuso actor na si Ken Chan nagsalita na hinggil sa kasong kinakaharap na syndicated estafa
Nagsalita na ang Kapuso actor na si Ken Chan hinggil sa kasong kinahaharap na syndicated estafa.
November 15, 2024 – Sa pamamagitan ng isang social media post, nagbigay ng paunang pahayag si Ken Chan hinggil sa kasong isinampa sa kanya na syndicated estafa. Ayon kay Ken, kailangan niyang magsalita para bigyan ng linaw ang lahat.
Paliwanag ni Ken, wala siyang nilokong tao. Nagtayo daw siya ng negosyo pero ito ay naluge. Tatlong branch daw ng Cafe Claus ang nagsara.
Bahagi ng pahayag ni Ken, “May mga bagay kami na kailangang ipaglaban lalo na kung bakit naisampa ito bilang syndicated estafa na kung tutuusin ay umiikot lamang sa pagkaluge ng negosyo.”
“Kaunting panahon po at ilalabas ko ang lahat ng katotohanan kung bakit ito nangyari sa kumpanya. Hindi po ako nanghingi lang ng pera at nanloko tulad ng akusasyon sa akin. Nalugi po ang Cafe Haus at isa sa malaking dahilan ay dahil sa ilang business partners namin na nagplano para pabagsakin ang kumpanya at patuloy na sirain ang aking pangalan,” dagdag pa ni Ken.
Paliwanag pa ni Ken, pinili niyang hindi magsalita noong una dahil nilalabanan niya ang kasong ito legally. Marami daw ang nagmamahal at nagpapahayag ng suporta sa kanya sa labang ito.
Naniniwala din ang aktor na mapagtatagumpayan niya ang kasong ito sa tulong ng Panginoon.
No comments