Member ng Aegis band na si Mercy Sunot – Nasa ICU dahil sa lung cancer, humihingi ng dasal
Isa sa mga bokalista ng bandang Aegis na si Mercy Sunot kasalukuyang nasa ICU – inoperahan sa baga.
Humihingi ng dasal ang singer na si Mercy Sunot, isa sa mga bokalista ng bandang Aegis. Mismong si Mercy ang nagbahagi ng kanyang kalagayan sa pamamagitan ng isang Tiktok video.
Ayon kay Mercy, kakatapos lamang ng kanyang operasyon pero nahirapan umano siyang huminga. Walang detalye na ibinigay si Mercy kung bakit siya inoperahan sa baga pero sa post na kanyang ibinahagi, mababasa ang mga hashtags na “breastcancerwarrior at lungcancerwarrior.
kasunod nito, kaagad din na isinugod si Mercy sa ICU upang mabigyan ng lunas. Base sa pagsusuri, nagkaroon daw ng inflammation sa kanyang ‘lungs’ at kasalukuyan itong ginagawan ng paraan.
Ganun pa man, tila nag-aalala pa rin si Mercy sa kanyang kalagayan. Siya ay nanawagan ng dasal sa kanyang mga followers na malampasan niya ang pagsubok na ito.
Ayon kay Mercy, “Tapos na ‘yung surgery ko sa lungs. Pero biglang nahirapan akong huminga. So dinala ako sa ICU. Tapos ngayon, may inflammation ‘yung lungs ko so ginagawan na nila ng paraan… Steroids ang pinainom sa akin ng doctor para sa inflammation.”
“‘Pag-pray niyo ko na matatapos ‘tong pagsubok na ‘to. ‘Pag-pray niyo ako.”
No comments